Liham

Nagpalitan sina Rizal at Leonora ng sulat sa loob ng 11 taon,

Ang unang pitong taong sulatan ay nabaon,

Ngunit kahit magkagayon,

pag-ibig ni Rizal ay di naglaon

 

Kahit kanyang sinta’y kinasala na,

Ang loob nya’y patuloy na umaasa

Iniisip na kahita wala na sila’y sila ay sila parin,

Nagdarasal na sya’y babalikan at muling mamahalin

 

Tunay na pag-ibig ay puno ng tiwala,

Magbibigay kinang parang mga tala,

Hind sumusuko sa anuman ang harapin,

Ang hangin nadarama’y gagala’t lalasapin

 

“Tanaga sa Dalawa”

Sa dami ng ginawa,

Upang ika’y makuha,

Wala naming napala,

Bumuhos pang mga luha

 

Sa kabilang panig,

May isang nakikinig,

Hindi man lang napansin,

Sa iba nakatingin

 

Bakit ba kung sino pa,

Ang iyong nakikita,

Ay isa namang bulag,

Puso ay isang hungkag

 

Marahil mahirap nga,

Turuan pusong dukha,

Kung anong dapat gawin,

Kung anong dapat sundin

 

Sana nga sa susunod,

‘Di na ko malulunod,

Sa kanyang mga ngiti,

At kanyang mga gawi

 

Anuman aking gawin,

‘Di ko kayang mahalin

Ang saki’y sumusuyo,

Siya nga ay isang bigo

Kami nga ay parehas,

Atensyo’y nakarehas

Sa taong hindi gusto,

Ang sigaw naming puso

 

Sana nga matutunan,

Ang puso’y maturuan,

Na mahalin na lamang,

S’ya na ‘di ka iiwan

 

Debelopmental nga ba?

Ang pag-ibig sa tuwina,

Dahil kung magkagayon,

Sakit ay matatapon

 

Atin ngang pag aralan,

Na huwag ng masaktan,

Umiwas sa paasa,

Piliin nat’y tama

 

Ang atig pagpapagal,

Ga’no man ‘to katagal,

Sa huli magbubuga

Tayo rin ay sasaya

 

“Ang luha at Tanaga”

“Sa madilim na gabi,

Sa buwang nakangiti,

Bigla kong naalala,

Sayo’y walang pag-asa

 

Tulad ng mga tala,

Nakasulyap sa lupa,

Nakikita ang galaw,

Naririnig ang sigaw

 

Lagi kong nasisilip,

Ang sambit ng ‘yong isip

Ngunit hindi mabasa,

Ang iyong nadarama

 

Bumubulong ang hangin,

Ulap ay tumitingin,

Nagmamasid sa akin,

Puso’y pinapaamin

 

Bumibilis ang tibok,

Nang aking pusong hayok,

Tila may karumulan,

‘Di ko na mapigilan

 

 

 

 

 

 

Ang mga ala-ala

Nang tayo’y magkasama,

Lahat ay bumabalik

Isip ko’y humihilik

 

Ang aking sapantaha,

Gabing ito’y may sala,

Kung bakit nalilito

Sa mga desisyon ko

 

No’n sabi sa sarili

Tatakpan mga labi,

Walang pagsasabihan,

Aking nararamdaman,

 

Sa aking kaibigan,

Nahulog ng lubusan,

‘Pag sumigaw ang puso,

Siya nga ay lalayo

 

Siya ay isang langit,

Malayo at mabait,

Marami mang iluha

Hindi ko makukuha”